Commodities

Pasukin ang Mundo ng Commodities (Produkto)

Tuklasin ang kahusayan ng mga commodities o produkto sa pagtitrade sa Axon Markets, kung saan
maaaring pag-aralan at tuklasin ang iba't-ibang uri ng mga mahahalagang metal, enerhiya, at
mga produktong pang-agrikultura.

Market   Bid Ask Spread
WTIUSD 84.24 84.29 0.5
BRTGBP 75.21 75.26 0.5
XNGUSD 2.3999 2.4031 3.2

Tuklasin ang Pagtitrade ng Commodities

Nag-aalok kami ng pagkakataon na ma-access mo ang iba't-ibang mga uri ng produkto, mula sa mga enerhiyang tulad ng langis at gas hanggang sa mga kalakal ng agrikultura tulad ng kape at butil.

Kapag isinasagawa ang pagtitrade, ang kaugnay na gastos ay tinutukoy bilang ang "spread." Nag-aalok ang Axon Markets ng pinakamainam na mga quote ng presyo na nagmumula sa aming mga liquidity provider, na nagbibigay-garantiya ng mas magandang presyo at likwidasyon upang mapabuti ang iyong tagumpay sa pagtitrade.

Ang leverage trading ay nagbibigay-daan sa iyo na palawakin ang kabuuang exposure mo sa merkado nang hindi nangangailangan ng karagdagang puhunan. Ang nadagdagan na leverage na ito ay may potensyal na lubos na palakihin ang mga resulta ng iyong pagtitrade, kaya't mahalaga na mag-ingat at magkaroon ng pagpapasya sa paggamit nito.

Mangyaring tandaan na ang mga spread na ipinapakita ay indicative at batay sa aming standard account. Maaring mag-iba ang mga spread depende sa uri ng iyong account at sa kasalukuyang kalagayan ng merkado.

Para sa kumpletong listahan ng mga spreads, i-click dito

PAGTRADE NG COMMODITIES

Anim (6) na Dahilan Kung Bakit Magugustuhan Mo ang Pagtrade ng Commodities

KAHANGA-HANGANG PAGKAKAIBA-IBA NG MGA COMMODITIES

Pagandahin ang iyong investment na may kasamang pamumuhunan sa mga makikintab na commodities o produkto tulad ng ginto, na magdadagdag ng kislap sa iyong portfolio.

NAPOPROTEKTAHAN ANG IYONG YAMAN

Manatiling walang alalahanin sa panahon ng pagtaas ng halaga ng mga commodities o produkto tulad ng ginto, ang iyong mapagkakatiwalaang tagapangalaga.

SUMASABAY SA TREND O USO

Samantalahin ang pagsabay sa mga uso at trending na commodities o produkto, tulad ng pag-invest sa enerhiya habang ito ay nagbibigay ng magandang oportunidad.

NAGPAPANATILI NG KATATAGAN

Kapag ang mga merkado ay nagiging nagpapabago-bago, ang mga commodities ay nagbibigay at nananatiling matatatag at matibay

ANG BALANSE ANG SUSI

Ang mga commodities ay nagdudulot ng pagkakaisa sa iyong portfolio, pinananatili ang balanse sa pagitan ng panganib at gantimpala tulad ng isang propesyonal.

UMUNLAD NA MAY PAGLAGO

Ang mga produkto ng agrikultura ay sumusulong kasabay ng mga umuunlad na merkado, na nag-aalok ng kamangha-manghang potensyal para sa paglago.

Madalas na Itanong

Ang commodity ay isang uri ng nabibiling asset na kadalasang hilaw at hindi naproseso. Maaari itong maging isang tangible item, tulad ng ginto, pilak, o krudo, o isang produktong pang-agrikultura, tulad ng trigo o kape. Ang mga commodities na ito bilang mga produkto ay malawakang pangangailangan na may mga pamantayan at katangian, na ginagawang mahalaga ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay at sa pandaigdigang merkado.

Halimbawa:

1. Kape: Ang kape ay isang paboritong pampagising sa umaga, at ito ay isang commodity na may mataas na demand sa pandaigdigang merkado. Ito ay itinatanim sa iba't-ibang mga rehiyon sa buong mundo at may malaking bahagi sa sektor ng agrikultura.
2. Asukal: Isang matamis na commodity na malawakang ginagamit sa industriya ng pagkain at inumin. Ang asukal ay isang pangunahing sangkap sa maraming produkto at itinitrade sa buong mundo dahil sa mataas na demand nito.
3. Trigo: Isang pangunahing butil ng pagkain, ang trigo ay isa sa pinakamahalagang kalakal sa merkado ng agrikultura. Ito ang pangunahing sangkap sa maraming produktong pagkain, kaya't ito'y isa sa mahalagang commodities sa trading.

Ang mga commodities na ito, kasama ang iba pa tulad ng krudo, bulak, at soybeans, ay ipinagbibili sa iba't ibang merkado sa buong mundo, na nag-aambag sa pabago-bago at lumalaking mundo ng pagtitrade.

Ang pagtrade ng mga commodities ay nagbibigay ng napakaraming pagkakataon para sa mga traders na pag-iba-ibahin ang kanilang mga portfolio at mag-tap sa malawak na pandaigdigang merkado. Ang mga commodities na may malawak na pangangailangan, ay nagpapakita/nagbibigay ng kakaibang paraan at pagkakataon upang makalahok sa iba't ibang industriya tulad ng agrikultura, enerhiya, at mga metal. Bilang isang trader, maaari mong samantalahin ang pagbabagu-bago ng presyo, pag-iwas laban sa inflation, at kahit na mag-isip-isip tungkol sa mga uso sa merkado sa hinaharap. Bukod dito, sa mga madaling gamitin na platform tulad ng MT5, ang pagtitrade ng mga commodities ay mas madaling ma-access at nakapagbibigay ng mas malaking kita.

Bagaman ang pagtitrade ng mga commodities ay maaaring maging isang kapanapanabik na pagkakakitaan, mahalaga na maunawaan ang mga posibleng panganib na kaakibat nito. Isa sa mga pangunahing panganib ay ang pagbabago ng presyo, dahil maaaring maapektohan ang mga presyo ng commodities ng iba't-ibang mga factors tulad ng suplay at demand, mga kaganapan sa geopolitika, at kondisyon ng panahon. Bukod dito, ang mga commodities ay nasasailalim sa lagay ng merkado, na maaaring magdulot ng mabilisang paggalaw ng presyo. Dapat ding isaalang-alang ng mga traders ang mga factors tulad ng leverage, dahil ang mataas na leverage ay maaaring magpapalakas ng parehong kita at pagkalugi o pagkawala ng puhunan at kita. Ang pamamahala ng panganib ay nagiging mahalaga upang mapanatili ang iyong puhunan at makatawid maging dulot ng panganib. Sa pamamagitan ng pagiging maalam, pagtatakda ng makatwirang mga layunin, at paggamit ng mga kasangkapang sa pamamahala ng panganib, maaari kang maglayag nang may kumpiyansa sa mga alon ng merkado ng pagtitrade.

Kapag usapang pagtitrade ng mga commodities, mayroon kang dalawang magkaibang pagpipilian: ang pagtitrade gamit ang mga Contracts for Difference (CFDs) o ang pamamahala ng mga aktwal na ari-arian. Ang CFDs ay nag-aalok ng benepisyo ng pagtitrade ng mga commodities nang hindi kinakailangang magmay-ari ng tunay na ari-arian. Ibig sabihin nito, maaari kang magtaya sa mga paggalaw ng presyo, magtaas o magbaba, at magkaroon ng mas mataas na leverage, na nagbibigay ng higit na kakayahang umangkop at access sa pagtitrade sa merkado.

Sa kabilang banda, ang pagtitrade ng mga pisikal na commodities ay kinabibilangan ng pagmamay-ari at paghawak ng aktwal na mga ari-arian, tulad ng mga bariles ng langis o mga bag ng kape. Bagama't ang pisikal na pagmamay-ari ay nagbibigay ng pakiramdam ng pagkakaroon ng aktwal na commodities, ito ay may kaakibat ng karagdagang responsibilidad tulad ng imbakan, transportasyon, at potensyal na gastos sa paghahatid.

Ang parehong mga paraan ay may kanya-kanyang mga benepisyo at panganib. Ang CFDs ay nag-aalok ng kaginhawahan at kahusayan, samantalang ang pisikal na pagtitrade ay nagbibigay ng isang makatwirang koneksyon sa merkado. Ang pag-unawa sa mga pagkakaibang ito ay makakatulong sa iyong piliin ang istilo ng pangangalakal na pinakamahusay na naaayon sa iyong mga layunin at kagustuhan. 

Kapag usapang pagtitrade ng mga commodities, nagbibigay ang Axon Markets ng iba't-ibang uri ng accounts upang matugunan ang iba't-ibang pangangailangan ng mga traders. Maging ikaw ay isang nagsisimula pa lamang o isang may karanasan na pagtitrade, makakahanap ka ng angkop na account upang simulan ang iyong paglalakbay sa pagtitrade ng mga commodities.

Ang bawat uri ng account ay nagpapakita ng iba't ibang kundisyon at kinakailangan sa pagtitrade, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang umangkop upang piliin ang isa na tumutugma sa iyong istilo ng pagtitrade at mga kagustuhan. Mula sa Standard hanggang sa LeveragePlus na mga account, tinitiyak ng Axon Markets ang maginhawang mga karanasan sa pagtitrade na may kompetitibong mga spread, mabilis na pagtutupad, at mapagkakatiwalaang suporta sa mga customers.

Upang alamin ang mga uri ng account na available at suriin ang kanilang mga partikular na mga feature, mag-click sa link na ito . Kung ikaw pa rin ay nangangailangan ng tulong o may mga tanong, huwag kang mag-atubiling makipag-chat sa aming mabait na live chat support team. Magkasama, tuklasin natin ang tamang account para sa iyong pagtitrade! 

Oo naman! Sa Axon Markets, naiintindihan namin ang iba't-ibang mga preference sa pagtitrade ng aming mga kliyente, kasama na ang mga nagnanais ng mga Islamic account. Ang magandang balita ay maaari kang magtrade ng mga commodities nang walang kahirap-hirap sa lahat ng uri ng accounts, kabilang ang mga Islamic accounts. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng kakayahang umangkop upang makisali sa pagtitrade ng mga commodities habang sumusunod sa iyong mga prinsipyo sa pagtitrade. Interesado ka man sa mahahalagang metal, mapagkukunan ng enerhiya, o iba pang mga commodities, magagawa mo ang lahat nang may kapanatagan na ang iyong Islamic account ay tumutugon sa iyong mga partikular na pangangailangan.

Magsimula sa Axon Markets sa pamamagaitan ng tatlong simpleng hakbang lamang

Magrehistro at kumpirmahin

Magrehistro at kumpirmahin ang iyong profile nang mabilis online.

Magdeposito ng Pondo

Agad na magdeposito ng pondo upang simulan ang live na pagtitrade

Simulan ang Pagtitrade

Begin trading with 1,000+ of instruments

Babala sa Panganib: Ang Pagtitrade ng mga Contracts for Difference (CFDs) sa margin ay may mataas na antas ng panganib at maaaring hindi angkop para sa lahat ng mga mamumuhunan. Bago magdesisyon na mag-trade ng CFDs, siguruhing buo mong nauunawaan ang mga panganib na kasama nito at kumuha ng independyenteng payo kung kinakailangan. May posibilidad na mawala mo ang lahat o ilang bahagi ng iyong investment kaya't hindi ka dapat mag-invest ng perang hindi mo kayang mawala. Mangyaring basahin ang buong dokumento Pagsisiwalat ukol sa Panganib.

Axon Markets ay ang nakarehistrong pangalan ng Little Black Diamond Ltd, isang kumpanyang pinahintulutan at kinokontrol ng Seychelles Financial Services Authority (FSA) sa ilalim ng Securities Dealer’s License number SD115. Nakarehistrong Tanggapan: First Floor, Room B11, Providence Complex, Providence Street, Mahe, Seychelles. Ang mga serbisyong pangbayad at software para sa www.axonmarkets.com ay inaayos o inililikha ng HDZ Capital Ltd, isang kumpanya sa Cyprus na may numero ng rehistro HE422545.

Mga paghihigpit sa rehiyon: Hindi nagbibigay ng serbisyo ang Axon Markets sa mga residente ng United States, Afghanistan, Belarus, Burma, Central African Republic, Congo, Cuba, Guinea, Iran, Libya, Mauritius, North Korea, Somalia, Syria, Venezuela, at Zimbabwe.

Pahayag: Ang website na ito ay hindi dapat ituring na nagpapahayag ng anumang imbitasyon o pang-aakit na makilahok sa aktibidad ng pamumuhunan sa anumang nasasakupan at hindi dapat ipadala, isapubliko, kopyahin, o maging batayan ng sinumang tao para sa anumang layunin. Ito rin ay hindi inilalayon para sa pamamahagi o paggamit ng sinumang tao sa alinmang bansa kung saan ang nasabing pamamahagi o paggamit ay laban sa mga batas o regulasyon nito.

Copyright © 2024 Axon Markets - All Rights Reserved.