Palakasin at tuparin ang
Matataas na mga Pangarap

Maligayang pagdating sa Axon Markets Partnership Fiesta, kung saan ginawa naming kapana-panabik at kasiya-siya ang ating pagsasama-sama! Isa ka mang solong trader o mas gusto ang pagkakaroon ng kasama sa isang grupo, ang aming mga programa sa pakikipagsosyo ay idinisenyo upang pagyamanin ang iyong pagtitrade nang may kasiyahan, kasaganaan, at pakikipagkaibigan.

KASIYAHAN . KALAYAAN . KINABUKASAN

MGA TAO

Sa Axon Markets, hindi kami basta-bastang broker - kami ang mga tapat mong kasangga sa iyong pakikipagsapalaran sa pagtitrade. Anuman ang iyong karanasan sa trading, kung ikaw ay isang dalubhasa sa trading, isang affiliate na nagsisimula pa lamang, o isang manggagawa sa pananalapi, ang aming programa ng pakikipagsosyo ay tungkol sa pagbibigay sa iyo ng tulong na kailangan mo upang magtagumpay

TUKLASIN AT ALAMIN ANG MGA OPORTUNIDAD

Iba't-ibang Programa sa Pakikipagsosyo

Introduksyon sa Broker (IB) 

Magsigurado na maayos na konektado at tumatakbo ang iyong network.

Ang pakikipagsosyo sa Axon Markets ay magbibigay sa iyo ng malalim na pang-unawa sa mga merkado ng pananalapi, na nag-aalok ng napakahalagang patnubay sa iyo at sa iyong mga kliyente habang hinaharap ang mga walang katiyakang mga bagay at sitwasyon sa trading at pamumuhunan.

> Pag-usapan Pa Natin Nang Mas Detalyado

Tagapamahala ng Ari-arian o Assets Manager (PAMM) 

Ang kilala at epektibong kagamita sa pangangasiwa ng mga ari-arian. 

Isang makabago at mataas na kalidad na PAMM system na ibinibigay para sa mga pandaigdigang tagapamahala ng ari-arian na nagtatrabaho kasama ang mga retail investor. Ang sistemang ito ay nagbibigay-lakas sa mga tagapamahala na maayos na pamahalaan ang mga account ng kanilang mga kliyente at maglaan ng mga pamumuhunan na may ekspertong katiyakan. Ito ay isang makabago sa larangan ng mga propesyonal sa pananalapi na may layuning magbigay ng katiyakan at kahusayan sa kanilang pagganap at gawain.

>Pag-usapan Pa Natin Nang Mas Detalyado

Kapartner

Maging aming kasosyo at ilabas ang iyong nakakaimpluwensyang potensiyal at kahusayan

Ang pakikipagsosyo sa Axon Markets ay nagbubukas ng mundo ng mga posibilidad. Malalaman at makakapagbahagi ka ng mga iba't-ibang kaalaman, mga takbo ng merkado, at mga kuwento ng tagumpay, habang kumikita ng malalaki. Ikaw ay magiging isang mapagkakatiwalaang pinagmumulan ng impormasyon at kaalaman, na nangunguna at nagbibigay-patnubay sa iyong kliyente para kumita ng malaki.

Binibigyan ka namin ng mga pinakabagong mapagkukunan ng kaalaman at kita, suporta, at isang brand na kumakatawan sa tiwala at kahusayan. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapromote ng Axon Markets; ito ay tungkol sa pagsusulong ng financial literacy at pagbubukas ng pagkakataon upang matuto at kumita.

Magkasama, babaguhin natin ang iyong presensya sa social media at gawing plataporma para sa edukasyon sa pananalapi, pamumuhunan, at paglikha ng yaman. Sumali sa Axon Markets influencer team ngayon, sama-sama nating gawing mas madali, mas kapani-paniwala, at mas makabuluhan ang pananalapi para sa iyong audience at para sa iyo!

> Pag-usapan Pa Natin Nang Mas Detalyado

Ang Kapangyarihan at Lakas ng Pakikipagsosyo at Pagtutulungan

Sa Axon Markets, buong-puso kaming naniniwala na ang pagkamit ng tagumpay sa pananalapi ay dapat na magdulot hindi lamang ng kita kundi pati na rin ng kasiyahan. Kaya't ang aming mga programa ng partnership ay idinisenyo upang maging kasali, inaanyayahan ang lahat, mula sa mga beterano sa trading hanggang sa mga nagsisimula pa lamang sa mundo ng pananalapi.

1. Dedikadong Tagapamahala ng Account

Ang isang dedikadong tagapamahala ng account ay nagbibigay ng higit na suporta, mga solusyong ayon sa pangangailangan, at magaan na komunikasyon para sa aming mga pinahahalagahang kliyente.

4. Unlimited na Rewards

Walang limitasyon dito. Ang iyong potensyal na kita ay nakasalalay lamang sa iyong ambisyon. Kapag mas marami kang naiambag, mas malaki ang iyong makukuha.

2. Mga Cutomized na Materials

Ang aming mga customized na materyales ay nagbibigay-lakas sa mga negosyo na may natatanging brand at naaangkop na mga nilalaman upang epektibong maakit ang kanilang target audience.

5. Mabilis na Pagbabayad

Ang mabilis na pagbabayad ng mga komisyon ng mga IBs at mga kasosyo ay patunay ng aming dedikasyon na tiyakin na ang aming mga kasosyo ay nakakatanggap ng kanilang kita sa tamang oras.

3. Ugnayan ng Komunidad

Kumonekta kasama ang mga indibidwal sa aming komunidad ng mga kasosyo. Magbahagi ng mga tip, estratehiya, at mga kuwento ng tagumpay habang bumubuo ng mga mahahalagang network.

6. Pagrereport sa Takdang Oras

Ang aming pagrereport sa takdang oras ay nagbibigay ng agarang kaalaman, nagpapabilis ng pagdedesisyon, at nagbibigay-daan para sa pinakamahusay at maayos na mga resulta.

TARA! USAP TAYO

Handa ka na bang gawing masaya at magkaroon ng pagbabago ang iyong buhay sa pananalapi??

Halina't sumali sa Axon Markets Partnership Fiesta, kung saan ang saya, suporta, at kasaganaan ay magkakasama at walang limitasyon. Anuman ang iyong plano, magsisimula ang kuwento ng iyong tagumpay dito sa amin!

Mga Katanungan Tungkol sa Pakikipagsosyo

Babala sa Panganib: Ang Pagtitrade ng mga Contracts for Difference (CFDs) sa margin ay may mataas na antas ng panganib at maaaring hindi angkop para sa lahat ng mga mamumuhunan. Bago magdesisyon na mag-trade ng CFDs, siguruhing buo mong nauunawaan ang mga panganib na kasama nito at kumuha ng independyenteng payo kung kinakailangan. May posibilidad na mawala mo ang lahat o ilang bahagi ng iyong investment kaya't hindi ka dapat mag-invest ng perang hindi mo kayang mawala. Mangyaring basahin ang buong dokumento Pagsisiwalat ukol sa Panganib.

Axon Markets ay ang nakarehistrong pangalan ng Little Black Diamond Ltd, isang kumpanyang pinahintulutan at kinokontrol ng Seychelles Financial Services Authority (FSA) sa ilalim ng Securities Dealer’s License number SD115. Nakarehistrong Tanggapan: First Floor, Room B11, Providence Complex, Providence Street, Mahe, Seychelles. Ang mga serbisyong pangbayad at software para sa www.axonmarkets.com ay inaayos o inililikha ng HDZ Capital Ltd, isang kumpanya sa Cyprus na may numero ng rehistro HE422545.

Mga paghihigpit sa rehiyon: Hindi nagbibigay ng serbisyo ang Axon Markets sa mga residente ng United States, Afghanistan, Belarus, Burma, Central African Republic, Congo, Cuba, Guinea, Iran, Libya, Mauritius, North Korea, Somalia, Syria, Venezuela, at Zimbabwe.

Pahayag: Ang website na ito ay hindi dapat ituring na nagpapahayag ng anumang imbitasyon o pang-aakit na makilahok sa aktibidad ng pamumuhunan sa anumang nasasakupan at hindi dapat ipadala, isapubliko, kopyahin, o maging batayan ng sinumang tao para sa anumang layunin. Ito rin ay hindi inilalayon para sa pamamahagi o paggamit ng sinumang tao sa alinmang bansa kung saan ang nasabing pamamahagi o paggamit ay laban sa mga batas o regulasyon nito.

Copyright © 2024 Axon Markets - All Rights Reserved.